METRO MANILA – Sisikapin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na magtutuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang termino.
Ito ang tiniyak ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng naitalang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa ikatlong quarter ngayong taon.
Kumpiyansa si Secretary Balisacan na on-track ang Pilipinas sa pag-abot ng economic at social transformation targets sa ilalim ng Philippine Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.
Base sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA) tumaas sa 5.9% ang naitalang GDP ng bansa ngayong 3rd quarter ng taon, mas mataas ito kumpara sa 4.3% na paglago noong second quarter.
Gayunman mas mabagal pa rin ito sa 7.7% na growth rate ng GDP ng bansa na naiatala sa kaparehong quarter noong 2022.
Tags: GDP, PH Economy