Payo ng PNP sa publiko, iwasan ang “At the Moment Post” sa social media ngayong long holiday

by Radyo La Verdad | March 28, 2018 (Wednesday) | 8509

Puspusan ang paalala ng Philippine National Police sa mga magulang na gabayan ang kanilang anak sa paggamit ng social media ngayong long holiday upang maiwasang maging biktima ng mga magnanakaw.

Ayon sa PNP, iwasan ang mga atm o at the moment post sa social media. Ito ay ang paglalagay ng status update sa iyong account kung saan ka naroroon at kung ano ang iyong ginagawa sa mismong oras ng pagpopost sa social media.

Paala rin ng PNP, iwasan ding i-post ang mga passport, tickets o flight itinerary. Maituturing na security risk din ito.

Bukod dito, kung aalis ng bahay, tiyaking nai-unplug ang lahat ng mga appliances. Siguraduhin ding naka-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan at naka-secure ang mahahalagang gamit sa loob ng bahay.

Suspindihin din ang mga nakatakdang deliveries lalo na’t walang tao sa loob ng limang araw at i-low tone ang ringer ng telepono.

Kung magbibiyahe naman, tiyaking may sapat na baong pagkain, tubig at gamot para sa mga nahihilo sa biyahe.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,