Patuloy na suporta sa mga isinusulong na judicial reforms sa bansa, inaasahan ng Supreme Court pagpasok ng Duterte administration

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1526

ROSALIE_SERENO
Pinasalamatan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno si outgoing President Benigno Aquino The Third dahil sa suportang ibinigay sa judicial reforms ng bansa sa nakalipas na anim na taon.

Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Korte Suprema na magtayo ng sarili nitong mga imprastraktura.

Kaya naman, positibo rin ang pananaw nitong maipagpapatuloy ng incoming administration ni President-elect Rodrigo Duterte ang pagsuporta executive branch sa mga pangangailangan ng Judicial Branch of Government.

Alang-alang na rin ito sa pagpapabilis ng case dispositions sa bansa.

Tiniyak din ni chief justice sereno na ipagpapatuloy ng judiciary branch ang pagaalis ng ilang corrupt na kawani ng judikatura, na siya ring pangunahing programa ng incoming duterte administration sa pamahalaan.

Samantala, nang kunin ang kaniyang pahayag kaugnay sa mga naiibang polisiya at balak ng incoming administration ni Duterte, ipinahayag nito na bilang punong mahistrado, inuunawa niya at tinitingnan ang tunay na mensahe sa bawat pahayag ng mga nasa poder sa pamahalaan.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,