Patong sa ulo para kina Pres. Elect Duterte at incoming PNP Chief Dela Rosa, tumaas sa P50M

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 2572

PNP-Chief-PCSupt.-Ronald-Dela-Rosa
Pumalo na sa tig-limampung milyong piso ang patong ng mga drug lord sa New Bilibid Prison para sa ulo nina incoming Pres Rodrigo Duterte at incoming PNP Chief Ronald dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, wala umanong kumagat sa alok ng mga drug lords na 10M piso kung kaya itinaas nila ito 50 milyong piso.

Sa kabila nito, hindi naman umano matitinag si Dela Rosa sa gagawing pagsagupa sa mga drug lords sa kanyang pag-upo bilang Chief PNP.

Kasabay nito ang pabiro pero seryosong babala ng heneral na palalabasin niya ang mga drug lords sa New Bilibid Prison, pero hindi patayo kundi horizontal.

(UNTV RADIO)

Tags: ,