Patay sa lindol sa Mindanao, umakyat na sa 21 ayon sa NDRRMC

by Erika Endraca | November 4, 2019 (Monday) | 3547

METRO MANILA, Philippines – Umakyat na sa 21 ang patay sa sunod-sunod na lindol sa Mindanao. Base sa tala ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) 16 sa 21 na nasawi ay mula sa Cotabato. 3 sa Davao Del Sur , 2 sa South Cotabato habang 1 naman sa Sultan Kudarat.

Halos 500 naman ang bilang mga nasaktan sa pagyanig at may 2 pang nawawala hanggang ngayon . Samantala nagsisiksikan ngayon sa 30 evacuation centers sa Davao Del Sur at North Cotabato ang nasa mahigit 20,000 mga residente na naapektuhan ng lindol at pansamantalang inilikas.

Nagpadala na ng mga relief goods ang iba’t – ibang Local Government Unit (LGU) kasama na ang mga government at non government organization. Pero ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office,  kulang pa rin ang mga relief goods para mapakain at sapatan ang pangangailangan ng lahat ng naapektuhang residente.

(Marisol Montaño | UNTV News)

Tags: ,