Patas na trato sa mga rebeldeng grupo sa usapang pangkapayapaan, tiniyak ng incoming Duterte administration

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 2352

NEL_DUREZA
Positibo si incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa magiging takbo ng usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Dureza, bagamat wala pa namang nangyayaring na pormal na paguusap, bukas lagi ang kanilang linya sa pakikipagusap sa grupo upang ang ilang isyu.

Tulad na lamang ng usapin ng paguwi sa bansa ni Communist Party Founding Chairman Joma Sison kung saan posible itong mahadlangan dahil sa pagkakasama nito sa terrorist list ng Estados Unidos.

Sa ngayon ayon kay Dureza, mahalagang masimulan ang exploratory talks sa NDFP at magkaroon agad ng ceasefire agreement.

Tiniyak rin ng incoming OPAPP Secretary na magiging patas ang papasok na administration sa iba pang rebeldeng grupo, tulad ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF.

Kaya naman tututukan rin anya nila ang magiging takbo ngayon ng pagsasabatas ng draft Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kongreso.

Pagaaralan rin ng incoming administration kung paaano maipatutupad ang ilang probisyon sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,