Patakaran sa paglalagay ng label sa hoverboard mahigpit na ipatutupad ng DOH at DTI

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1628

doh-facade
Mahigpit na ipatutupad ng Department of Health at Department of Trade and Industry ang labeling rules sa hoverboards.

Ayon sa DOH at DTI, dapat na may nakalagay na warning na hindi para sa mga batang may edad 14 pababa ang haveboard.

Ang warning ay kinakailangang nakalagay sa principal display part at may laking 100 square centimers o 15 square inches sa tagalog o Ingles.

Inirekomenda din ng DOH at DTI ang paggamit ng safety gears tulad ng elbow at knee pads maging ang helmet at wrist pads tuwing gagamit ng hoverboard.

Bukod dito ay ipinaalala ng dalawang ahensya na tiyaking maigi ng mamimili kung may IEC o ISO logo ang baterya ng hoverboard upang masiguro na dekalidad ang nito.

Matatandaan na nagkaroon na ng mga reklamo mula sa ibatibang bansa dahil sa biglaang pagliyab ng hoverboard.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,