Patakaran ng Commision on Appointments sa pagsuspinde sa kumpirmasyon ng career officials, muling pag-aaralan

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 8705

section-20
Nitong myerkules naharang ang nominasyon at confirmation ng dalawang commissioners at limang bagong ambassador nang pigilin ito ni Minority Leader Juan Ponce Enrile sa pamamagitan ng Section 20 ng rules ng Commision on Appointments

Nakasaad sa Section 20, kailangang aaprubahan ng chairman ang mosyon ng isang miyembro ng C-A na sumususpinde sa kumpirmasyon ng isang government o career officials.

Paniwala ni Senate President Franklin Drilon, Chairman ng Commission on Appointments, hindi dapat magamit ang Section 20 rules ng walang kadahilanan.

Kaya naman inatasan na ni Drilon ang C-A Secretary na pag-aralang mabuti o rebyuhinang Section 20 kung maaring amyendahan.

Ayon naman sa Malacanang, sana ay hindi mahaluan ng pulitika ang paggamit sa Section 20 ng komisyon

Naniniwala si Senador Drilon na wala namang kwestyon sa nasabing bagong talagang opisyal ng pamahalaan dahil kwalipikado ang mga ito.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , ,