Passport on wheels, inilunsad ng Department of Foreign Affairs

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 5924

Nakinabang kahapon ang mga taga Las Piñas City sa serbisyo ng bagong passport mobile service ng Department of Foreign Affairs.

Apat na van na naglalaman ng mga passport printing machines kasama ang mga tauhan ng DFA ang mismong magpo-proseso ng mga pasaporte na iikot sa iba’t-ibang lugar ng bansa. Ang bawat van ay kayang makapag-produce ng limandaang passport kada araw.

Target ng DFA na madoble ang produksyon ng passport ngayong taon upang masolusyunan na rin ang isyu ng matagal na appointment sa pagkuha ng pasaporte.

Sa datos ng DFA, tumaas sa 3.7 million ang naging produksyon ng Philippine Passport noong 2017, kung saan kada taon, nasa 30 percent ang itinataas sa demand ng kumukuha ng pasaporte.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,