Passport center na ilalaan para sa Overseas Filipino Workers, inihahanda na ng Department of Foreign Afairs

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 5863

AIKO_OFW
Isinasaayos na ng Department of Foreign Affairs ang Consular Office nito sa Ortigas na magiging passport center para lamang sa Overseas Filipino Worker.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, tinatapos na lang nila ang ilan pang regular passport appointments bago ito tuluyang gawing main OFW passport center.

Kapag nagsimula na ang operasyon, hindi na kailangan pang kumuha ng online appointment ang mga OFW upang makakuha o makapag-renew ng passport.

Habang hindi pa nagbubukas ang OFW Passport Center sa Ortigas, maglalaan muna ng OFW lane ang DFA Consular Offices sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Isang prebilihiyo para sa seaman na si Mark ang paglalaan ng special lane para sa kanila.

Halos 20 minuto lang ay natapos na siya sa pagpapa-renew ng kaniyang Philippine passport.

Ayon Asec.Charles Jose, nais lang nilang ipakita sa mga OFW ang kanilang pagpapahalaga sa malaking naiimbag nila sa bansa.

Samantala, bukod sa passport center na ilalaan sa OFW’s ay mas pinadali na rin ang pagkuha ng online appointment sa e- passport system.

47 percent o katumbas ng 800 appointment slots ang mga nagpa-apointment nguni’t hindi pumupunta para sa pag-proseso ng kanilang passport.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,