Passport center na ilalaan para lang sa mga OFW, inihahanda na ng DFA

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 2239

CHARLES-JOSE
Isinasaayos na ng Department of Foreign Affairs ang consular office nito sa Ortigas na magiging passport center para lamang sa overseas filipino worker.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, tinatapos na lang nila ang ilan pang regular passport appointments bago ito tuluyang gawing main ofw passport center.

Kapag nagsimula na angoperasyon, hindi na kailangan pang kumuha ng online appointment ang mga OFW upang makakuha o makapag-renew ng passport.

Habang hindi pa nagbubukas ang OFW passport center sa Ortigas, maglalaan muna ng OFW lane ang DFA Consular Offices sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Araw- araw ay may 15,000 hanggang 17,000 passsport applicants sa lahat ng DFA passports sa bansa

May 250- 500 applicants naman sa bawa’t DFA satelite office araw- araw at 2,400 naman dito ang mismong sa DFA aseana naka- schedule.

Noong nakarang huwebes naman binuksan ang courtesy lane para sa overseas filipino workers sa DFA Aseana.

Ayon ASec. Charles Jose, nais lang nilang ipakita sa mga OFW ang kanilang pagpapahalaga sa malaking naiimbag nila sa bansa.

(Aiko Miguel/UNTV NEWS)

Tags: