Pasok sa mga paaralan sa Metro Manila sa Nov. 16 at 17, sinuspinde dahil sa ASEAN Summit

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 2264

Nagdesisyon ang mga mayor ng National Capital Region na kanselahin ang klase sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa lahat ng antas sa Metro Manila sa November 16 at 17 upang bigyang-daan ang gaganaping 31st Association of Southeast ASEAN Nations Summit sa Pilipinas.

Makakatulong umano ito upang mapagaan ang trapiko sa mga lansangan. Mananatili namang may pasok ang lahat ng mga pampublikong tanggapan at mga pribadong kumpanya sa mga nabanggit na petsa.

Nilinaw naman ng Metro Manila Council na ang Malakanyang na ang may responsibilidad kung idedeklarang holiday ang November 13 hanggang 15.

Samantala, tiniyak naman ng MMDA na magiging panandalian lamang ang pagsasara sa ilang mga kalsada na gagamitin ng ASEAN delegates upang hindi ito masyadong makakaabala sa mga motorista.

Sa October 29, muling magkakaroon ng dry-run ang MMDA at iba pang mga ahensya para sa mas detalyadong plano sa ASEAN Summit.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,