Sinuspendido na ang pasok ngayong araw sa ilang paaralan sa Caraga Region bilang paghahanda sa Bagyong Samuel.
Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa:
Butuan City
Surigao City
Cabadbaran City
Lingig, Surigao del Sur
Surigao del Norte Province
Wala namang pasok ang pre-school sa buong probinsya ng Agusan del Sur.
Pre-school to elementary naman ang sakop ng cancellation ng klase sa Dinagat Islands, Cantilan Surigao del Sur at Carrascal Surigao del Sur.
Habang pre-school to high school naman ang walang pasok sa at probinsya ng Agusan del Norte.
METRO MANILA – Inaasahan ang pagtataas sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga minimum wage earner sa Caraga region matapos aprubahan ng kani-kanilang wage boards ang wage increase.
Sa isang pahayag, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na isinumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga at NCR noong December 13, 2023.
Sa inilabas na Moto Propio Wage Order ng Caraga RTWPB, noong December 5, madaragdagan ang daily minimum wage ng P20 sa lahat ng sector mula January 1, 2024.
Habang magkakaroon pa ng additional P15 sa second tranche sa May 1, 2024.
Samantala naglabas din ng Moto Propio ang RTWPB ng NCR noong Decembr 12, kung saan nakasaad na madadagdagan ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Dagdag pa ng DOLE, na ang wage orders ng RTWPB ng Caraga ay inilathala nitong December 16 at magiging epektibo 15 days mula sa publication nito
Habang ngayong December 18, 2023 naman ilalathala ang wage order para sa mga kasambahay sa NCR.
Tags: CARAGA Region, Metro Manila, minimum wage
METRO MANILA – Posibleng magdeklara ng state of calamity ang probinsya ng Surigao Del Sur, kasunod ng 7.4 magnitude na lindol na tumama sa lalawigan noong Sabado (December 2) ng gabi.
Sa ngayon ay patuloy na nararamdaman ang malalakas na aftershocks sa probinsya.
Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), halos 2,000 aftershocks pa ang naitala sa lugar hanggang kahapon (December 4).
Mayroong itong lakas na umaabot sa 1.4 hanggang 6.6 magnitude, kung saan 19 sa mga ito ang naramdaman.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), aabot na sa mahigit P58-M ang halaga ng pinsalang idinulot ng lindol.
Base sa naunang report, 2 ang naitalang nasawi, habang mahigit sa 57,000 mga pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.
Kahapon (December 4), nagsimula na ang ang pamamahagi ng food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tags: DSWD, PHIVOLCS, Surigao del Sur
Pitong buwan na mula nang maka-uwi sa bansa ang dalawang taong safety officer sa Saudi Arabia na si Jorick Butron.
Hindi umano nagpapasweldo ng maayos ang kanilang kumpanya kaya napilitan siyang mag-resign at humingi ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Biktima naman umano ng breach of contract ang 27 anyos at walong buwang ding safety officer sa Gitnang Silangan na si Kenneth Diorico. Naka-uwi man siya sa Pilipinas sa tulong din ng pamahalaan, wala naman siyang naipong pera upang makapagsimula muli sa paghahanap-buhay.
Parehong ang problema nina Jorick at Kenneth, ito ay kung paano sila babangong muli matapos ang mapait na karanasan sa ibang bansa.
Pero noong Sabado, muling nabuhayan ng loob na magsimula muli sina Jorick at Kenneth matapos mapabilang sa siyam na distressed OFW sa Surigao del Sur na pinagkalooban ng 20,000 livelihood assistance sa pamamagitan ng balik Pinas, Balik Hanapbuhay program ng OWWA at 10,000 naman mula sa Villar Sipag Foundation.
Kaugnay ito ng pagdiriwang OFW Day ngayong taon.
Upang mapalago pa ang perang natangap ng mga OFW, sasailalim din sila sa iba’t-ibang financial seminars.
Base sa datos ng OWWA, mayroon nang humigit kumulang labing dalawang milyong OFW ang nagtatrabaho sa iba’t-ibang bansa.
Taon-taon isinasagawa ng pamahalaan ang OFW Day bilang pagbibigay halaga sa pagsisikap ng mga bagong bayaning tinitiis na mawalay sa pamilya maiahon lang ang mga ito sa hirap.
( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )