Pasok ng mga estudyante sa ilang paaralan, kinansela dahil sa malakas na ulan

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 3098

Malakas na pagbuhos ng ulan, mga binahang kalsada at banggaan ng mga sasakyan ang ilan sa mga eksenang dulot ng pag-ulan sa iba’t-ibang lansangan sa Metro Manila kagabi.

Umaabot sa halos isang pye ang tubig sa ilang langsangan gaya sa Quirino Avenue sa Paco Maynila, kanto ng Rizal Avenue Extension at R. Papa sa Santa Cruz, Maynila.

Maging ang isang bahagi ng southbound ng Roxas Boulevard sa Pasay City ay binahin rin.

Nasa four feet naman ang baha sa bahagi ng G. Araneta Avenue sa kanto ng E. Rodriguez Sr. Avenue sa Tatalon Quezon City kaya ilang mga taxi at motorsiklo ang tumirik.

Bunsod nito, nagkansela ng pasok ang ilang lungsod ngayong araw. Kabilang nagsuspinde ng klase ang Quezon City, Cainta  at Taytay Rizal.

Apat na kotse naman ang nasangkot sa banggaan sa Edsa southbound bago umakyat ng Quezon Avenue flyover.

Tumilapon ang ilang orange barriers dahil sa banggaan bagaman wala namang naiulat na nasaktan sa aksidente.

Ang tubig sa ilang langsangan gaya sa Quirino Avenue sa Paco Maynila, kanto ng Rizal Avenue Extension at R. Papa sa Santa Cruz, Maynila. Maging ang isang bahagi ng southbound ng Roxas Boulevard sa Pasay City ay binahin rin.

Tags: , ,