Pasaporte ng Pilipinas, ika-80 sa pinakamalalakas— British Firm

by Radyo La Verdad | July 22, 2022 (Friday) | 1472

METRO MANILA – Good news, nasa ika-80 puwesto sa pinakamalalakas na passport sa buong mundo ang pasaporte ng Pilipinas.

Ito ay base sa ginawang listahan ng isang British Consulting Firm na Henley and Partners.

Ayon sa Henley Passport Index Global ranking, mula sa ika-82 puwesto noong nakaraang taon sa kanilang listahan, umangat ngayong third quarter ng taong 2022 ang Philippine Passport sa ika-80 puwesto.

May access na ngayon sa 67 destinations ang Philippine passport, mula sa 66 lamang noong nakaraang taon.

Kasama ng Pilipinas ang Cape Verde islands at Uganda sa 88 spot.

Ang passport ng Japan ang most powerful, na may visa-free access sa 193 destinations.

Ang south Korea at Singapore naman ay may visa-exempt status sa 192 destinations, bilang second most powerful passport sa buong mundo.

Tags: