Pasahe sa jeep at taxi, posibleng tumaas bago magpasukan

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1845

FARE HIKE

Posible na tumaas ang pasahe sa jeep at taxi bago magpasukan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, kung magpapatuloy ang oil price hike posibleng maibalik ang P10 bawas pasahe sa taxi dahil provisional lamang ito.

Bukas ay maghahain na rin ng petisyon ang mga jeepney operator sa LTFRB upang hilingin na maibalik sa 8.50 minimum fare sa jeep.

Subalit plano itong harangin ng mga Commuter group sa pamamagitan ng paghahain rin ng petisyon na tututol sa taas pasahe

Agosto noong nakaraang taon ng magsimulang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo

P15 ang ibinaba nito hanggang Disyembre, subalit ngayong taon mas malaki na ang itinaas ng diesel at gasolina kumpara sa dami ng pagkakataon na bumaba ang presyo nito

Subalit ayon sa DOE, mas malaki pa rin ang rollback kumpara sa itinaas ng presyo ng langis. (Mon Jocson/UNTV News )

Tags: