Pasahe sa eroplano sa Hunyo, bababa kasabay ng pagbaba ng fuel surcharge

by Radyo La Verdad | May 19, 2023 (Friday) | 1933

METRO MANILA – Asahan ang mas mababang pamasahe sa eroplano sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), ang pagbaba ng airfare ay bunsod ng pagbaba ng fuel surcharge para sa Hunyo.

Sa advisory ng CAB, ang passenger at cargo fuel surcharges para sa domestic at international flights ay ibababa sa level 4 mula sa level 5.

Sa ilalim ng level 4 fuel surcharge, ang mga pasaherong bibili ng ticket sa eroplano ay magbabayad lamang ng P117 hanggang P342 para sa domestic flights, P385.70 hanggang mahigit P2,000 para sa international flights depende sa layo.

Ang pagbaba sa presyo ay dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng jet fuel.

Tags: ,