Partylist groups at COMELEC Chairman, pabor sa pagreporma at hindi sa pag-abolish sa partylist representation sa Kongreso

by Radyo La Verdad | August 1, 2016 (Monday) | 1052

VICTOR_REPORMA
Hindi sangayon ang ilang partylist groups sa panukala ni President Rodrigo Duterte na i-abolish na ang partylist system sa Kongreso kasabay ng pag-amyenda sa saligang batas dahil mawawalan ng representasyon ang marginalized at vulnerable sector ng lipunan.

Ngunit aminado ang ilan na dahil sa kasalukuyang sistema ng pulitika sa bansa, napapasok ng mga political dynasty ang partylist system.

Kaya para sa kanila kailangan na ng reporma ang sistemang ito sa Lower House.

Naghain naman ng panukala sa mababang kapulungan ng kongreso ang Ako Bicol Partylist upang i-reporma ang partylist system.

Pag-uusapan din ng Partylist Coalition sa Kamara ang isyung ito.

Maging si COMELEC Chairman Andres Bautista ay naniniwala na kailangan lang i-reporma ang parylist system dahil maganda naman ang intensyon ng batas subalit nagkakaroon ng problem sa implementasyon nito.

Problema rin sa partylist ang pagkakaroon ng hindi pagkakasundo o paksyon sa isang grupo kung sino ang ililuklok bilang representate sa Kongreso.

Sa ngayon may 3 partylist groups na nanalo sa nakaraang halalan ang hindi pa nabibigyan ng certificate of proclamation dahil nagtatalo talo ang mga miyembro kung sino ang kakatawan sa kanila.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,