Party-list Coalition hinihingi ang Chairmanship ng 20% ng kumite sa Kamara

by Radyo La Verdad | June 5, 2019 (Wednesday) | 7311

METRO MANILA, Philippines – Nasa 75 ang kabuoang Komite sa Kamara at nais ng Party-list Coalition na ibigay sa kanila ang Chairmanship ng 15 o higit pa sa mga ito.

Ayon sa grupo napatunayan na sa katatapos lang na 17th Congress ang kakayahan ng mga Party-list Representatives na pangunahan ang 11 Komite.

Isa sa kanila ay naging Deputy Speaker habang ang ilan ay naging miyembro ng malalaking Komite sa Kamara.

Sa ngayon may 54 na miyembro ang Party-list Coalition pangalawa sila sa pinakamalaking grupo sa Kamara.

Ang limang Kongresista na nais maging House Speaker sa kanila rin lumalapit upang humingi ng suporta.

Pero isa sa kundisyon nila bago suportahan ang sinuman sa mga ito ay ang ibigay sa kanila ang pamumuno sa ilang kumite sa ilalim ng 18th Congress.

Narito ang pahayag ni Party-list Coalition Presidente 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero.

“if you don’t give the 20% minimum then you are not advocating the 30 million constitution ng party list so most probably, we will not be an advocate of whoever that speaker is, it is 20% or nothing,” ani 1-Pacman Representative Mikee Romero.

Kahapon pormal nang nagsara ang 17th Congress kung saan kinilala ang  mahigit 70 Kongresista na nasa kanilang huling termino na.

Samanatala sa July 22 naman bubuksan ang 18th Congress.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,