Partisipasyon sa umano’y planong pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Duterte, itinanggi ng ilang LP senator

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 4397

Muling itinanggi ng Liberal Party senators na may plano silang alisin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay LP President Sen. Francis Pangilinan, nais lang ng Pangulo na ilihis ang atensyon sa mga isyu laban sa kanya.

Ayon naman kay Sen. Bam Aquino, wala silang kinalaman sa anumang hakbang na patalsikin ang Pangulo.

Ayon naman sa dating hepe ng Philippine National Police na si Senator Panfilo Lacson, imposibleng magtagumpay ang anumang planong alisin sa posisyong ang Pangulo.

Una nang binulgar ni Solicitor General Jose Calida na may ilang grupo at personalidad umano na nagsasabwatan upang pabagsakin si Pangulong Duterte.

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,