Park kung saan malayang makapagpapalipad ng mga drone, binuksan sa Seoul South Korea

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 1224

DRONE
Binuksan ng Seoul Metropolitan Government sa South Korea noong ang 27 thousand square meter-drone park malapit sa Han river.

Dito maaaring makapagpalipad ng mga drone na may timbang na labindalawang kilo pababa at hindi tataas ang lipad sa 150-meters.

Ayon kay Director Kim Gun-Tae ng Plan and Budget Department ng Seoul, matagal at hindi madali kumuha ng approval sa security department ng pamahalaan kapag nais ng mga taong magpalipad ng drones kung kaya’t nagbukas na sila ng drone park na hindi na mangangailangan pa ng permit.

May lawak na 160-meters ang runway nito na kayang mag-accommodate ng hanggang sa tatlumpu.

Bukas ito mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Nasa 7,500 ang myembro ng Korea Aero Models Association at mahigit kumulang walumpung porsyento sa kanila ang nagpapalipad ng mga drone bilang libangan.

(UNTV RADIO)

Tags: ,