Paris, nahaharap sa matinding pagbaha dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Siene River

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 11839

Nakaalerto na ngayon ang mga otoridad dito sa Paris dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa River Siene.

Dahil sa patuloy na pag-ulan kaya nanganganib na umabot pa sa anim na metro ang taas ng tubig kapag umapaw na ang ilog.

Sa ngayon ay suspindido na ang byahe sa ilog ng mga speedboats at iba pang water vessels gayundin ang operasyon ng tren na karaniwang naghahatid ng mga turista patungong Eiffel Tower at Musée d’Orsay.

Ayon sa forecast, aabot sa 5.7 hanggang 6 meters ang itataas ng tubig baha hanggang Sabado kung hindi titigil ang pag-apaw ng ilog.

Sa ngayon ay sarado na ang unang palapag ng Louvre Museum at inilikas na sa mas ligtas na lugar ang mga artifacts at art pieces na naroroon.

Ang huling pag-apaw ng River Siene ay noong 2016 kung saan umabot sa 6 meters ang taaas ng tubig.

Pero ang pinakamalalim na baha na naidulot nito ay nangyari noong 1910 kung saan umabot ng 8.6 meters.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,