Paris-linked ISIS leader, napatay sa airstrike sa Iraq

by Radyo La Verdad | December 30, 2015 (Wednesday) | 1495
US Army Colonel Steve Warren(REUTERS)
US Army Colonel Steve Warren(REUTERS)

Umaabot na sa sampung Islamic State commanders ang napatay sa mga isinasagawang pag-atake ng U-S-led Coalition sa mga kuta ng ISIS sa Iraq.

Ayon kay US Army Colonel Steve Warren, isa sa latest casualty si Charaffe Al-Mouadan.

Ang Al-Mouadan ay sinasabing may direktang pakikipag-ugnayan kay Abdelhamid Abaaoud na may malaking papel sa Paris attacks.

Isang Abdul Qader Hakim na siyang namumuno ng external operations ng ISIS ang napatay din sa Northern Iraqi City ng Mosul.

Kahapon ay nabawi na ng Iraqi military ang lungsod ng Ramadi, isa sa mga pinagkukutaan ng ISIS sa bansa.

Tags: , , ,