Parañaque police magtatalaga ng mas maraming tauhan sa mga subdivision ngayong Undas

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 2363

LEA_PNP
Magtatalaga ng 50 tauhan ang Parañaque police sa Manila Memorial park ngayong Undas.

Itoy upang masiguro ang kaligtasan ng mga magtutungo sa lugar.

Ayon kay Parañaque Chief of Police P/SSupt. Ariel Andrade, bukod sa Manila Memorial park at may tatlo pa silang sementeryo na bibigyan ng seguridad.

Subalit, sinabi ni Andrade na mas magpo focus sila sa pagpapatrolya sa may 150 subdivision sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang akyat bahay.

Itoy dahil karamihan aniya sa mga residente ay umuuwi sa mga lalawigan at walang naiiwang bantay sa kanilang tahanan.

Kaya naman paalala ng opisyal sa mga residente, ilock ng maayos ang pinto, bintana at gate ng bahay,siguruhin ding gumagana ang cctv kung meron man at kung maaari ay ibilin sa kapitbahay ang naiwang bahay.

Nakikipag ugnayan na rin sila sa mga security guard ng mga subdivision upang magsagawa ng patrolya bilang tulong sa mga police.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,