Parañaque Integrated Terminal Exchange, bubukasan na sa ika-5 ng Nobyembre

by Radyo La Verdad | October 25, 2018 (Thursday) | 5309

Bubukasan na sa ika-5 ng Nobyembre ng Department of Transportation (DOTr) ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matatagpuan sa Coastal Road, Baclaran Parañaque City. Ito ang magsisilbing istasyon ng mga sasakyang bumabyahe patungong Cavite at Batangas.

Gayundin ang mga jeep, bus at UV Express van na pumapasada sa iba’t-ibang ruta sa Metro Manila.

Layon nito na gawing mas mas mabilis at maalwan ang pagbiyahe ng mga bumabyahe mula Metro Manila patungong Cavite at Batangas, at pabalik.

Ang PITX ang sinasabing kauna-unahang integrated terminal na kahawig ng airport dahil tampok dito ang ilang makabagong pasilidad gaya ng sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mayroon ditong libreng wifi, mga water station centralize shopping center at mayroong mga CCTV sa buong terminal.

Aabot naman sa halos isang daang libong mga pasahero ang kayang mai-accomodate dito kada araw.

Ang PITX ay isa sa mga proyektong nakapailalim sa Build, Build, Build program ng Duterte administration.

 

 

 

 

 

Tags: , ,