Paraan upang agad na maipamahagi ang coco levy fund, pinag-aaralan na ng incoming admin

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 6519

PINOL
Pinag-aaralan na ng incoming Duterte administration kung paano agad na maipamamahagi sa mga magsasaka ang coco levy fund.

Ayon kay incoming Agriculture Secretary Manny Piñol, sensitibong isyu kay President Elect Rodrigo Duterte ang ukol sa coco levy dahil ang ina nito ay isa ring coconut farmer.

Noong panahon ng kampanya, ipinangako na ni Duterte ang pagbabalik sa mga magniniyog ng multi-billion peso coconut levy funds.

2014 muling pinagtibay ng Korte Suprema ang unang desisyon nito na dapat makinabang ang coconut farmers sa coco levy assets.

2015 naman nang maglabas ng dalawang executive order si Pangulong Benigno Aquino the third na layong i-privatize ang coco levy fund ngunit pansamantala itong pinigilan ng Korte Suprema dahil sa inihaing petisyon ng isang grupo ng mga magniniyog

(UNTV RADIO)

Tags: ,