Paraan ng pagboto gamit ang VCM, ipinakita ng COMELEC sa mga pulis at sundalo sa CALABARZON

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 2378

SHERWIN_PNP-TRAINING
Ipinasubok ng Commission on Elections sa mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang pagboto sa Vote Counting Machine o VCM na gagamitin sa halalan sa Mayo.

Sa demo sa Camp Vicente Lim sa Laguna, ipinaliwanag din ng COMELEC ang mga problema na posibleng maranasan sa araw ng botohan gaya ng pag-tamper sa mga balota at aberya sa makina at receipt printing.

Matapos ang demo, isang pulong rin ang isinagawa para sa ipatutupad na final election security plan sa CALABARZON Region.

Layunin nitong maipaalala sa bawat ahensya ang kanilang mga tungkulin upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos at mapayapang halalan sa Mayo a-nueve.

Bahagi ng security plan ang pagde-deploy ng mahigit sa walong libong pulis pati na ang paglalagay ng tig-dalawang pnp personnel sa bawat polling precinct sa rehiyon.

Tinukoy naman ng PNP ang mga bayang mahigpit na babantayan sa Batangas tulad ng Sto. Tomas, Tanauan, Lipa, Bauan, at Batangas City dahil sa mga private armed group na posible umanong manggulo sa araw ng halalan.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,