Paraan ng pag i-inspeksyon ng LTFRB, inireklamo ng mga taxi operator

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 1312

LTFRB
Sa halip na makapamasada agad ang mga taxi driver, laking abala umano sa kanilang hanap buhay ang isinagawang inspeksyon ng LTFRB.

Paalis na sana ang mga taxi na ito ng dumating ang inspection team ng LTFRB.

Ayon sa taxi operator, na abisuhan naman daw sila subalit short notice ito kung kayat hindi sila nakapaghanda.

Aminado naman ang LTFRB na short notice ang inspection, subalit
naniniwala ang ahensya na kung kumpleto ng dokumento ang mga operator ay hindi ito makaka abala.

Subalit tuloy ang inspeksyon ng LTFRB, tinignan kung nakasusunod ang operator sa requirement ng ahensya.

Inisa isa ang body markings, ilaw at mga signages sa taxi kasama na ang bintana at windshield kung hindi ito tinted.

Kapag may nakitang paglabag, tatawagin ang atensyon ng may-ari upang makapag comply ito.

May kaukulang multa ang bawat paglabag, gaya ng hindi paglalagay ng nosmoking at PWD sign na may multang 50 thousand pesos.

Kailangan namang maipakita ng operator ang ilang dokumento gaya ng labor certificate mula sa DOLE, zoning clearance mula sa LGU at Philhealth application ng mga driver.

Kung patuloy na hindi susunod ang mga operator, mapipilitan ang LTFRB na kanselahin ang kanilang prangkisa.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: ,