Papua New Guinea, niyanig ng 7.7 magnitude na lindol

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1766
Photo credit: USGS
Photo credit: USGS

Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Papua New Guinea kaninang alas-7:48 Lunes ng umaga.

Batay sa datos mula sa U.S. Geological Survey (USGS), may lalim itong 65.7 kilometro at tinaguriang major earthquake.

Itong ay naitala sa layong 54 kilometro timog-silangan ng Kokopo, Papua New Guinea.

Wala pang impormasyon kung may napinsala o nasaktan sa lindol.

Posible naman na magkaroon ng malakas na tsunami waves dahil sa lindol ayon naman sa Pacific agency.

Pero inibsan naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum ang pangamba ng publiko dahil wala silang nakikitang banta ng tsunami sa bansa.

Tags: , , , , ,