Papua New Guinea, niyanig ng 7.4 magnitude na lindol

by dennis | May 5, 2015 (Tuesday) | 2391
Source: USGS
Source: USGS

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang dalampasigang bahagi ng Papua New Guinea.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol 13 kilometro sa timugang bahagi ng Kokopo, sa New Britain region at may lalim itong 50 kilometro.

Nagtaas naman ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center at posible anila ang pagragasa ng alon na may taas mula 0.3 hanggang isang metro sa coastline ng nabanggit na bansa sa loob ng 300km radius mula sa epicenter ng lindol

Tags: ,