Papel na gawa sa balat ng bawang, isa sa alternatibong pagkakakitaaan ng mga residente ng Tondo, Maynila

by Radyo La Verdad | April 24, 2018 (Tuesday) | 3734

Pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga barangay 649 sa Baseco, Tondo Maynila ang pagbabalat ng bawang.

Sako-sakong bawang ang dinadala sa kanila ng isang negosyanteng Chinese. Ang mga nabalatang bawang ay binabayaran ng 70 hanggang 75 pesos kada sako.

Hindi akalain ng mga residente dito na maaari pang mapakinabangan ang kanilang itinatapon na balat ng bawang.

Kanina ay ipinamahagi sa mga residente ang mga gamit sa paggawa ng papel mula sa balat ng bawang. Binigyang rin sila ng training kaugnay dito.

Ang papel na ito ay maaaring gamitin sa paggawa ng iba pang produkto tulad ng paper bag o kaya naman ay gift wrapper.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, malaki ang potensyal nito na maipasok rin sa export industy.

Inaasahang tone-toneladang basura kada taon ang mababawas sa hinahakot ng Manila City Hall sa barangay na ito. Gayundin inaasahang mababawasan  ang itinatapong basura sa Manila Bay.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,