METRO MANILA – Kinumpirma kahapon June 13, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) malapit sa mga itinatalagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Ayon kay PAOCC Spokesperson John Casio, iniimbestigahan na rin nila ang mga ito sa kasalukuyan.
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na nababahala siya sa operasyon ng mga POGO malapit sa EDCA sites kaya’t dapat aniya itong maipatigil.
Umaasa naman ang PAOCC na makikipagtulungan sa Department of National Defense (DND) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang mga ahensya upang matugunan ang nasabing isyu.
METRO MANILA – Magsasagawa ang Senado ng isang executive session sa June 5 para talakayin ang isyu patungkol kay Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, nais nitong malaman kung totoo ang alegasyon na isang chinese national ang tunay na ina ng alkalde.
Batay aniya sa kanyang source, napag-alaman na ‘Winnie’ umano ang tawag sa sinasabing ina ni Mayor Guo.
Kasama rin sa tatalakayin sa executive session ang pagkakadawit ng alkalde sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
METRO MANILA – Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado (May 18) na ang muling paglabas ng mga litrato na kasama si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay walang pinapatunayan o walang ibig sabihin.
Nilinaw ni PBBM na marami ang katulad na larawan na kuha noong kanyang kampanya kung saan umaabot aniya sa 1,000 kada araw ang humihingi sa kanya ng selfie na hindi naman nito hinihindian.
Dagdag pa nito, walang umanong pulitikong taga-Tarlac na nakakakilala sa nasabing alkalde.
Samantala, binigyang-diin ng pangulo na nagsisimula pa lamang ang mga imbestigasyon kay Guo at ang kanyang posibleng pagkakasangkot sa isang defunct POGO installation.
Kaya’t maganda umano na hayaan ang ehekutibo at lehislatura na gawin ang kanilang trabaho at ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil wala pang definite na conclusions tungkol sa isyu.
Tags: POGO, Tarlac Mayor
METRO MANILA – Patuloy na tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasok sa bansa ng Super Typhoon Mawar.
Ayon sa pangulo, pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.
Nakipagpulong si PBBM kay Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Undersecretary Carlito Galvez at siniguro ng pangulo na naka-preposition ang pondo at foods packs.
Maging ang response team aniya ay naka-antabay na at handa na ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Tags: DND, PBBM, Super Typhoon Mawar