Panukalang taasan ang ‘Chalk Allowance’ ng mga guro, aprubado na sa Senado

by Radyo La Verdad | May 23, 2023 (Tuesday) | 968

METRO MANILA – Inaprubahan na ng senado ang panukalang taasan ang ‘Chalk Allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng panukala, tataasan ang teaching allowance mula sa kasalukuyang P5,000 hanggang P7,500 sa school year 2023-2024 at hanggang P10,000 sa school year 2024-2025.

Ang karagdagang benepisyo ay hindi rin umano bubuwisan.

Ang Senate Bill 1964 o proposed “Kabalikat ng Pagtuturo Act” ay naipasa sa 22 affirmative votes, zero negative votes at zero abstention.

Tags: