Panukalang SSS Pension increase, tatalakayin sa susunod na Kongreso- Sen. Villar

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1437

SEN_VILLAR_052015
Sinabi ng principal author ng propose SSS Pension increase na si Senator Cynthia Villar na huwag mawalan ng pag-asa ang mga pensioner.

Ayon kay Villar na sa kabila na hindi inaprubahan ni Pangulong Aquino ang 2-thousand pesos pension increase ay maari pa itong muling buhayin sa Kongreso.

Umaasa rin si Villar na sakaling buhayin ang panukalang batas ay maa-prubahan na ito ng susunod na pangulo.

Isa sa dahilan ni Pangulong Benigno Aquino The Third sa pag-veto sa panukalang 2-thousand pesos pension increase ay ang pangambang mabangkrupt na ang sss sa 2027 kung ipatupad ito.

Dagdag pa ni Villar kung hindi kaya ng SSS na ibigay ang nasabing dagdag na dalawang libo sa pension maari namang humingi ng subsidy sa pamahalaan.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, hindi pa huli ang lahat at sisikapin ng kongreso na maibigay sa ating mga lolo at lola ang dagdag na pension mula sa SSS.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,