Panukalang rebisahin ang konstitusyon, isa sa mga prayoridad ng Senado sa pagbabalik sesyon

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 3526

Balik sesyon na ang senado kahapon at agad na tinalakay ang tungkol sa panukalang pag-amiyenda sa konstitusyon.

Para kay Senator Grace Poe, hindi lamang dapat matutok sa political structure ang gagawing rebisyon sa 1987 constitution kundi maging ang usapin sa ekonomiya ng bansa.

Nagpahayag naman agad ng pagtutol ang minority group sa panukalang gawing unicameral legislature ang isinusulong na federalism, kung saan sa porma na ito ng gobyerno, mawawala  ang senado.

Inihain  naman kahapon ni Senator Panfilo Lacson ang resolusyon na humihiling na umupo ang senado bilang constituent assembly na hiwalay sa mababang kapulungan ng Kongreso, kung saan ang pag-amiyenda o pagrebisa sa konstitusyon ay aaprubahan ng ¾ na boto ng senado.

Ang panukala na ito ni Lacson ay sa gitna na rin ng kwestyon ng paraan ng magiging botohan sakaling umupo ang dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Con-Ass. Suportado naman ito ng ilang senador.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,