Panukalang pahabain sa 100 days ang maternity leave, aprubado na sa ika-2 pagbasa sa Kamara

by Radyo La Verdad | August 29, 2018 (Wednesday) | 3084

Aprubado na kahapon sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang gawing one hundred (100) days ang paid matertenity leave ng mga babaeng manggagawa.

Ayon pa sa House Bill 4113, maaari pa itong i-extend ng 30 araw ngunit wala ng bayad.

Sa kasalukayan, mayroon lamang animnapung araw na paid maternity leave para sa normal childbirth at seventy-eight days naman para sa caesarean delivery.

Samantala, Marso noong nakaraang taon nang unang maipasa sa Senado ang bersyon nito ng extended paid maternity bill.

Sa ilalim ng Senate Bill 1305, magiging one hundred twenty days ang paid maternity leave at maaaring i-extend ng thirty (30) days ng walang bayad.

Tags: , ,