Panukalang pagpapaliban sa brgy election, kailangan pang dumaan sa Kongreso – COMELEC

by Radyo La Verdad | March 24, 2017 (Friday) | 3009


Kailangan pa ring dumaan sa Kongreso ang panukalang muling pagpapaliban sa nakatakdang barangay elections sa Oktubre.

Ito ang ibinigyang diin ng Commission on Elections kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na nais niyang mag-appoint na lamang muna ng mga mamumuno sa barangay dahil apatnapung porsiyento sa mga ito ay konektado sa iligal na droga.

Ayon sa COMELEC, bagama’t kaisa sila ni Pangulong Duterte sa layuning magkaroon ng maayos at malinis na eleksyon, hindi naman maaaring basta na lamang ipagsawalang bahala ang batas.

Ayon pa sa COMELEC, habang wala pang batas na nagpapaliban sa barangay elections, magpapatuloy sila sa kanilang trabaho, partikular ang kampanya nila ngayon, na magparehistro ang mga tao para makaboto.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: , ,