Panukalang paglipat ng Brgy. at SK Elections sa may 2023, aprubado na ng 3 Kumite sa Senado

by Erika Endraca | September 17, 2019 (Tuesday) | 30356

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng 3 kumite sa Senado ang panukalang paglipat ng 2020 barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 2023.

Layon ng Senate Bill Number 1043 na ipagpaliban ang may 2020 polls sa Ikalawang Lunes ng Mayo 2023 at I-set ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kada isang taon matapos ang pambansa at lokal na halalan.

Ang huling Barangay Elections ay idinaos noong may 2018 sa bisa ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakdang ipagpaliban ang October 2017 polls.

Ang kaparehong batas ay nagtatakds ng susunod na Barangay at SK polls sa October 2020 na nangangahulugang ang sinomang nahalal na opisyal ay magsisilbi ng 2 taon.

(Mai Bermudez | UNTV News)

Tags: ,