Panukalang paglalagay Philippine Legislative Police, dinidinig na sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 1833

Tinatalakay na ngayon sa Kamara ang panukalang paglalagay ng sariling security force sa lahat ng miyembro ng Kongreso na tatawaging Philippine Legislative Police o PLP. Inihain ito ni Majority Floor Leader Cong. Rudy Fariñas.

Kung maisabatas ang panukala, maliban sa pagbabantay sa mga kongresista at senador, trabaho rin nilang protektahan ang mga asawa’t kamag-anak ng mga mambabatas hanggang second degree of consanguinity, depende sa banta sa kanilang buhay.

May kapangyarihan din sila sa pag-aresto at pag-iimbestiga sa mga krimeng nangyari sa loob ng Kongreso.

Hindi naman sang-ayon dito si Cong. Antonio Tinio ng Makabayan Bloc dahil baka maabuso umano ang pribilehiyong ito.

Hindi naman tutol ang PNP sa panukala subalit nais lang nilang matiyak na hindi ito mag-ooverlap sa kasalukuyang trabaho ng mga pulis.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,