Panukalang pagkakaroon ng mga dagdag benepisyo, ikinatuwa ng ilang solo parent sa bansa

by Erika Endraca | January 22, 2021 (Friday) | 3454

METRO MANILA – Ilan sa mga dagdag benepisyong nakalagay House Bill 8097 para sa mga solo parent ay ang pagbibigay ng 10% discount sa pangunahing pangangailangan ng mga anak.

Kasama na dito ang pagkain, damit, gamot at maging sa mga bayarin sa kuryente at tubig.

Bibigyan din ng scholarship ang isang anak ng solo parent at priority sila sa mga programa ng pamahalaan.

Ayon sa isa sa mga may akda ng panukalang batas na Si Agusan Del Norte Representative Lawrence Fortun,

Tinutukoy din dito na ang mga kumikita lamang ng mababa sa 250 libong piso kada taon ang maaaring makapag parehistro bilang solo parent at makakuha ng mga benepisyong binanggit.

“Kailangan talaga, yung bottom line dito, ikaw lang talaga. So kung naghiwalay kayo, yung other spouse ay hindi talaga tumutulong o kung tumulong man very insignificant, halimbawa nagpapadala ng pera nang isang beses isang taon, insignificant iyon.” ani Agusan Del Norte Representative Lawrence Fortun.

Inaasahan ng mambabatas, sa oras na maisabatas ito ay maraming mga solo parent na ang magpaparehistro.

Bagama’t milyon ang bilang ng mga ito, sa ngayon ay nasa 300,000 lamang ang nakatala dahil sa walang masyadong benepisyo ang naunang solo parent welfare act.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: