Isasapinal na ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang kanilang committee report kaugnay ng panukalang 2,000 pesos across-the board increase sa buwanang pension ng mga miyembro ng Social Security System o SSS sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Nobyembre.
Ayon kay House Committee Chairman Jesus Sacdalan, inaabangan na lamang ng senado ang bersyon ng kamara upang mai-consolidate ang panukalang pagtataas sa pensyon.
Kapag nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, posible aniyang mapakinabangan na ito ng mga pensioner sa susundo na taon.
Ilang mga reporma rin ang ipinanukala ng komite upang matiyak na hindi malulugi ang sss kapag naipatupad na ang pension hike;
Isa na rito ang panukalang palakasin ang kapangyarihan ng SSS Board of Trustees.
May mga investment rin anya ang SSS na makatutulong sa paglikom ng pondong kakailanganin sa pagpapatupad ng pension hike.
Noong January 2016, hindi inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Aquino The Third ang 2000 pesos na pension hike dahil sa posibilidad na malugi ang sss.
Aabot sa 56 billion pesos kada taon ang kinakailangang pondo upang matugunan ang umento sa pension kumpara sa 30 to 40 billion pesos na investment income lamang ng SSS kada taon.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: 000 SSS pension hike, Panukalang P2, posibleng maipatupad sa susunod na taon