Panukalang P150 minimum wage hike, target maipasa ng Senado bago mag-adjourn sa Hunyo

by Radyo La Verdad | May 11, 2023 (Thursday) | 1165

METRO MANILA – Unti-unti nang umuusad sa Senado ang panukalang umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa bansa.

Inaprubahan kahapon (May 10) “In Principle” ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang panukalang P150 na across-the-board wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Isang technical working group ang bubuuin para matalakay ang panukalang graduated wage increase scheme para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, target ng senado na maaaprubahan ang panukala bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa susunod na buwan.

Tags: ,