METRO MANILA – Nais bigyan ng 1 araw na sanitary leave ang mga mangagawang kakababaihan sa ilalim ng House Bill Number 518 na inihain ni Cavite First District Ramon “Jolo” Revilla III, kung saan hindi babawasan ang kanyang sasahurin dahil sa pagliban sa trabaho.
Sa ibang mga bansa gaya ng Japan, Spain, Indonesia, South Korea, Taiwan at Zambia ganap nang ipinatutupad ang menstrual leave.
Pero dito sa Pilipinas isa pa lamang itong panukala at wala pang katiyakan kung ganap nga bang magiging batas.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr. sakali mang maging batas ito sa bansa, maaari nitong maapektuhan ang hiring sa trabaho ng mga kababaihan.
Bukod sa hindi na magiging prayoridad sa hiring ang mga kababaihan, magiging malaking gastos rin aniya ito sa mga kumpanya at mga negosyante.
(Janice Ingente | UNTV News)
Tags: Menstrual Leave