METRO MANILA – Pasado na sa ikatlo ang huling pagbasa ang House Bill No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Ito’y matapos na i-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Nasa 279 ang bumoto pabor sa pag-apruba ng panukalang batas habang 6 ang nag-oppose o hindi pumabor sa pagpasa nito. Nasa 90% rin o 282 ang mga co-authors ng nasabing panukala.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa sa mga principal author ng House Bill 6608, nais nilang tiyakin sa publiko na magiging maayos ang pagpapatakbo ng Maharlika Investment Fund.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Philippine Gaming and Amusement Corporation at Bangko Sentral ng Pilipinas ang magiging contributors ng MIF.
Maaaring makulong ng hanggang 20 taon at multa na hanggang P3-M ang lalabag sa panukalang batas.
Ang national treasurer ang inatasan na bumuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF.