Panukalang magtataas sa sahod ng government employees, sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | December 17, 2019 (Tuesday) | 21409

METRO MANILA – Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sa sulat na ipinadala ng malakanyang sa senado noong December 13, pinamamadali ang pagpapasa ng Senate Bill Number 1219 o Salary Standardization 5.

Sa ilalim ng consolidated bill ng Senado, sa 4 na tranches ibibigay ang dagdag sahod ng mga civilian government employees simula January 2020 hanggang 2023.

Ang pinakamaliit na increase na matatanggap ng mga empleyado ay 8% depende sa salary grade , 20% to 30% naman sa ibang government employee.

Nasa 1.4-M  na government employees ang makikinabang dito kabilang na ang mga public school teachers at nurses

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,