Mangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral ang panukalang pagpapatupad ng 3-digit coding scheme.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Officer In Charge Tim Orbos, hindi maaaring magpadalos-dalos sa pagpapatupad ng mga hakbang dahil maaaring itong magdulot ng problema sa halip na makatulong.
Sa halip, nagkasundo na lamang ang kapulungan ng mga alkalde na mas paigitingin pa ang pagsasagawa ng clearing operations sa mga kalsada upang ma-i-alis ang lahat ng mga nakakasagabal sa daloy ng mga sasakyan.
Bukod sa Camp Aguinaldo, pinaplano rin ng I-Act ang pagbubukas ng ilan pang mga pribadong daan na magsisilbing alternatibong ruta ng mga motorista ngayong holiday season.
Tiniyak naman ng I-Act na sa ngayon ay patuloy silang tumutuklas ng iba’t-ibang polisiya upang masolusyunan ang problema sa trapiko dito sa Metro Manila.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: hindi pinaboran ng Metro Manila Council at I-Act, Panukalang magpatupad ng 3-digit coding system