Panukalang magpapalawig sa validity ng passport, inihain sa Senado

by Radyo La Verdad | July 17, 2016 (Sunday) | 1010
File Photo
File Photo

Isang panukalang batas ang isinusulong ni Senador Ralph Recto na layunin pahabain ang validity ng Philippine passport.

Kaugnay nito nais amyendahan ng senador ang Republic Act 8239 o ang Philippine Passport Act of 1996 kung saan mula sa limang taon ay nais nitong gawing sampung taon ang mga validity ng mga pasaporte sa bansa.

Sa ilalim din ng panukalang batas nililimitan ng Department of Foreign Affairs ang validity ng pasaporte ng isang tao kung wala itong sapat ng dokumento o kaya ay itinuturing ito bilang banta sa seguridad ng bansa.

Una ng nahain ng kaparehong panukalang batas si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

(UNTV RADIO)

Tags: ,