Panukalang magbibigay ng VAT exemption sa mga PWD target maipasa Senado

by Radyo La Verdad | May 13, 2015 (Wednesday) | 1992

IMAGE__UNTV-News__113012__PHOTOVILLE-International__PWD

Target na maipasa ang panukalang batas para sa Value Added Tax (VAT) exemption ng mga taong may kapansanan bago mag- adjourn ang sesyon ng Senado sa June 12.

Dininig na sa Senado ang panukalang batas na layuning amyendahang muli ang Magna Carta for Persons with Disabilities

Sa Senate Bill 2488 ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto dudugtungan ang Section 32 ng RA 7277 na dapat exempted ang PWD sa VAT para sa mga binibili nilang pagkain, gamot at serbisyo kahit na sila ay may 20% discount na.

Pangamba naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR), baka maabuso ito ng mga mapagsamantala at magdulot ng isa hanggang sa dalawang bilyong revenue losses ng pamahalaan .

Batay sa istadistika ng National Statistics Office o NSO census noong 2010 ay nasa 1.57% lang o 1.4 million ang PWD sa bansa.

Sa ngayon hinihintay na lang ng komite ang mga datos mula sa pamahalaan upang malaman ng Senado kung ano talaga ang magiging epekto ng panukalang batas na suportado na rin ng mababang kapulungan ng kongreso. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,