Panukalang mabigyan ng kapangyarihan ang pangulo na suspendihin ang rate hike sa PhilHealth, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | January 30, 2023 (Monday) | 596

METRO MANILA – Maaari nang suspendihin ng pangulo ang implementasyon ng pagtaas ng rate hike sa PhilHealth kung maisasabatas ang House Bill Number 6772.

Isang amendment ito sa Republic Act Number 11223 o ang Universal Health Care Act.

Sa ilalim ng Universal Health Care Act, magkakaroon ng pagtaas sa contributions mula 4% hanggang 4.5% ngayong taon. Patuloy naman itong tataas sa taong 2025 ng 5%.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, inihain nila ang nasabing batas upang mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan lalo na ang mga manggagawa.

Base sa inihaing batas, maaaring suspendihin ng pangulo at i-adjust and implementasyon ng pagtaas ng premium rates sa gita ng kalamidad o kung kakailanganin ito ng taumbayan.

Si House Speaker Romualdez ang siyang may-akda ng nasabing panukala kasama ang iba pang mga mambabatas sa Kongreso.

Ayon sa mga may-akda ng House Bill number 6672, madaragdagan lamang ang gastusin ng mga PhilHealth contributors kung ipagpapatuloy ang pataas ng monthly rates nito, lalo na’t ramdam pa rin ng ilan ang epekto ng pandemya.

Dagdag pa ng mga ito, kung matutuloy ang suspensyon sa PhilHealth rate hike, nasa P50 ang maaaring matipid ng mga contributor.

Tags: