Panukalang i-ban ang disposable vapes, suportado ng DOH

by Radyo La Verdad | March 7, 2024 (Thursday) | 7062

METRO MANILA – Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa panukalang i-ban ang disposable vapes sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOHna may masamang epekto sa kalusugan ang lahat ng uri ng vape products na pwedeng magresulta sa sakit sa baga at sa puso.

At dahil maituturing na electronic o e-waste ang disposable vapes dahil sa baterya at gawa sa plastic ang materyales nito.

Nagtataglay ito ng mapanganib na kemikal na maaaring maka-contaminate sa lupa at iba pang pinagkukunan ng tubig.,

Nauna nang ipinanukala ng Department of Finance (DOF) ang pagbabawal ng disposable vapes sa bansa, dahil karamihan sa mga ito ay hindi naman rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI), at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Tags: ,